^

Punto Mo

EDITORYAL - Naghahamon ang China para lubusang magkagulo

Pang-masa
EDITORYAL - Naghahamon ang China para lubusang magkagulo

NAGHAHAMON na talaga ang China para mag­kagulo sa West Philippine Sea. Pinag-iinit ang Pili­pinas para lumaban. Ganyan ang ginagawa nila ma­karaan ang pinakahuling insidente kung saan binangga ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon na nagdulot ng sira.

Noong nakaraang linggo, dalawang barko ng Phi­lip­pine Coast Guard (PCG) ang binangga ng CCG habang nagpapatrulya. Dahil sa lakas nang pagbangga, nagkaroon nang malaking damage ang PCG vessels.

Nagsagawa nang mapanganib na maniobra ang barko ng CCG sa Escoda Shoal noong Martes at nawasak ang tagiliran ng BRP Cape Engeño at BRP Bagacay.

Unang binangga ang BRP Engeño dakong 3:24 ng madaling araw habang nagpapatrulya sa Patag at Lawak Islands. Sa lakas ng pagbangga, nawasak ang kanang tagiliran ng BRP Engeño. Nagkaroon nang malaking butas at hindi na maaaring ipagpatrulya.

Sunod na binangga ang BRP Bagacay dakong 3:40 ng madaling araw. Dalawang beses binangga ang Ba­gacay ng CCG vessel 21551 at tinamaan ang starboard beam ng barko at nabutas. Naganap ang pagbangga malapit sa Escoda Shoal.

Subalit ang nakakatawa sa nangyari, ang China pa ang maghahain ng protesta dahil ang PCG vessels daw ang bumangga sa kanilang CCG vessel. Bukod dito naghain din ng diplomatic protest ang China dahil daw sa ilegal na pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit nasa loob ng Philippine exclusive economic zone. Sila ngayon ang naghahain ng protesta gayung sunud-sunod ang pangha-harrass nila mapadagat at mapahimpapawid man. 

Noong Agosto 8, dalawang Chinese aircraft ang pumasok sa himpapawid ng bansa sa tapat ng Bajo de Masinloc at nagpakawala ng flares sa direksiyong tinutungo ng Philippine Air Force (PAF) aircraft. Nag­sasagawa ng pagpapatrol sa lugar ang PAF nang biglang lumitaw ang Chinese planes at sunud-sunod na nag­pakawala ng flares. Nakagugulat ang ginawang pangha-harass ng China sapagkat nagkasundo na ang mga opisyal ng Pilipinas at China sa pagpupulong sa Beijing na iwasan ang anumang hakbangin na makakapagpalala ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS). Hindi tumupad sa pinagkasunduan ang China.

Maaaring masundan pa ang mga pagbangga ng CCG sa PCG vessels at BFAR. Titiyakin nilang masisira ang mga barko ng Pilipinas para wala nang gamitin sa pagpapatrulya. Nararapat nang bumili ng mga sasakyang pandagat ang Pilipinas para hindi naman maging kawawa. Bulok na ang mga barko ng PCG kaya malakas ang loob ng CCG na paglaruan hanggang mawasak. Hinahamon talaga ang Pilipinas na lumaban kaya kung anu-anong pamemerwisyo ang ginagawa.

vuukle comment

CHINA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with