^

Punto Mo

‘Pandesal’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGDATING ko sa bahay ay nag-aabang na si Mama at ang aking mga kapatid. Pan­desal ang almusal namin. Nakahanda na ang mesa.

Iniabot ko ang supot ng pandesal kay Mama. Nakaugalian na kasi na si Mama ang nagdi-distribute ng pandesal sa aming magkakapatid. Kapag hindi ganun ang gagawin ay may nanlalamang.

Tigtatatlong pirasong pandesal kami.

Pero nang bilangin ni Mama ang binili kong pandesal ay 13 lamang sa halip na 15 piraso.

“Johnny, bakit kulang ng dalawa ang pandesal? Di ba thirty pesos ang pinabibili ko—dapat 15 pieces ito. Nasan ang dalawang piraso?’’

Napamulagat ako. Saglit akong nag-isip.

“Nasan ang dalawa? Nagkamali ba ang nagbigay sa iyo sa bakery?’’

Bigla kong naalala na ibinigay ko nga pala ang dalawang pandesal sa matandang babae na nakita kong nasa bangketa.

Sinabi ko kay Mama ang nangyari na may matanda akong nakita at nagugutom at binig­yan ko ng pandesal. Nauna­waan naman niya ako.

Kinabukasan, sa halip na 15 pirasong pandesal, 17 piraso ang binili ko sa utos ni Mama.

“’Yung dalawang pandesal ay ibigay mo sa matanda.’’

“Opo.’’ (Itutuloy)

BREAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad