^

Punto Mo

EDITORYAL - Quiboloy, baka makatakas din

Pang-masa

NARARAPAT bantayan si Pastor Apollo Quiboloy at baka makalabas din ng bansa. Maaaring gawin din niya ang ginawa nang pinatalsik na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Noong Hulyo 18, 2024 pa nakalabas ng bansa si Guo pero noong Martes lamang nabuking-- mahigit isang buwan na ang nakalipas. Nagtungo umano sa Malaysia si Guo, gamit ang Philippine passport. Mula sa Malaysia, nagtungo sa Singapore si Guo at doon sila nagkita ng mga kaanak nito. Kahapon, nireport na nahuli ang isang kapatid ni Guo at isa pang kasama sa Indonesia.

Malaking katanungan ngayon kung paano nakalabas ng bansa si Guo gayung may hold departure order dito. Ipinangako noon ng Bureau of Immigration (BI) na mahigpit nilang binabantayan si Guo. Paano nakalabas kung binabantayan? Nagbanta naman si President Ferdinand Marcos Jr. na mananagot ang mga nagpatakas kay Guo. May gugulong daw na ulo. Sana totoo ito.

Ngayong wala na si Guo, dapat bantayan si Pastor Apollo Quiboloy at baka makalabas din ng bansa. Si Quiboloy ay founder ng Kingdom of Jesus Christ na nahaharap sa mga kasong child prostitution, sexual abuse, human trafficking, at acts of neglect, abuse, cruelty and exploitation. May nakapatong na P10 milyon sa kanyang ikadarakip. Tig-P1 milyon naman ang pabuya sa kanyang mga kasama na sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes, Jackiely Roy at Paulene Canada. Tanging si Paulene Canada pa lamang ang naaaresto ng mga pulis.

Minsan, kumalat ang balita na nasa China na raw si Quiboloy pero sabi ng kanyang mga abogado, ­inaalam pa nila ang katotohanan ng balita. Sinabi noon ni dating President Rodrigo Duterte na alam niya ang kinaroroonan ng kaibigang si Quiboloy pero hindi raw niya sasabihin kung saan. Binabatikos naman ang PNP at NBI sa kabagalang kumilos para maaresto ang sinasabing “chosen son of God”.

Doble higpit ang gawing pagbabantay kay Quiboloy at baka makatakas din gaya ng ginawa ni Guo. Nakakahiya na ang mga nangyayari na hindi madakip ng mga awtoridad ang mga taong may kaso at nagagawa pang makalabas ng bansa na walang kahirap-hirap.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with