^

Punto Mo

Lalaki na may pinakamalaking koleksiyon ng bass guitar sa mundo, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG musician sa Germany ang nakapagtala ng world record dahil sa napakalaki niyang koleksiyon ng mga bass guitar!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Uli Salm ang pinakabagong world record holder ng titulong “Largest Collection of Bass Guitars” matapos siyang makapagkolekta ng 854 bass guitars.

Taong 1963 unang nagkaroon ng bass guitar si Salm nang regaluhan siya ng kanyang magulang ng Fender Precision para sa kanyang 14th birthday. Simula noon, dumami na nang dumami ang kanyang bass guitar matapos siyang bumuo ng sarili niyang banda.

Bukod sa malaki niyang koleksiyon ng bass guitars, maipagmamalaki rin niyang tumugtog na siya sa enta­blado kasama ang mga sikat na musicians tulad nina John Lennon, Jerry Lewis, Chuck Berry at Bill Haley.

Sa kasalukuyan, makikita ang mga koleksyon ni Salm sa kanyang restaurant sa Hamburg, ang ZWICK Home of Rock ‘n’ Roll.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with