^

Punto Mo

‘Libing’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINURING kong may hatid na suwerte sa akin ang ginagawa kong paghahagis ng barya kapag may nakikita akong prusisyon ng libing.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo nang may karangalan at nakapasa ako sa professional board exams.

Mabilis akong nakakuha ng trabaho at makaraan lang ang isang taon ay nakakuha ako ng condo unit. At kasunod niyon ay nakabili na ako ng kotse.

Kahit na nakakotse na ako sa pagpasok sa opisina, hindi pa rin ako tumitigil sa nakaugalian nang paghahagis ng barya kapag may nakakasabay na funeral procession.

Bubuksan ko ang bintana ng kotse at maghahagis ako ng dalawang P10 coins. Dati P5 coins lang ang hinahagis ko pero mula gumanda na ang estado ng aking buhay dinagdagan ko ang inihahagis sa funeral procession.

Subalit hindi ko inaasahan ang isang pangyayari nang minsang maghagis ako ng dalawang P10 coins sa bintana ng aking kotse.

Tumama ang coins sa mukha ng isang babaing naglalakad at nagalit sa akin. Humingi ako ng tawad sa babae.

Hindi ko inaasahan na ang babaing yun ang aking mapapangasawa. Suwerte ako sapagkat napakabait, napakamaunawain at mapagmahal ang aking asawa. Naniniwala talaga ako na suwerte ang maghagis ng barya sa prusisyon ng libing.

vuukle comment

CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with