^

Punto Mo

EDITORYAL - Expired ang lisensiya ng baril ng mga pulis

Pang-masa
EDITORYAL - Expired ang lisensiya ng baril ng mga pulis

Mga pulis, expired ang lisensiya ng mga baril? Totoo ba ito? Ayon sa PNPs Civil Security Group (CSG), 26,000 na pulis at sundalo ang expired ang lisensiya ng mga baril! Mahaharap umano sa administratibong kaso ang PNP personnel kapag hindi ni-renew ang kanilang gun licenses.

Anong nangyayari sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Bakit hinahayaan na hindi ma-renew ang lisensiya ng kanilang mga tauhan? Paano kung may mga pulis at sundalo na magpaputok ng baril at expired pala ang lisensiya? Paano rin kung mag-AWOL ang pulis at sundalo at expired ang lisensiya ng kanilang baril na ginamit sa krimen?

Maraming pulis ngayon ang nasasangkot sa pamamaril. May mga pulis na sa kaunting problema sa trapiko ay binabaril ang nakaalitang motorista. May mga pulis na lasing na nagpapaputok ng baril habang may kasiyahan sa kanilang lugar. At saka matutuklasan na expired pala ang lisensiya ng baril.

Ayon kay CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, ang dahilan umano kaya hindi pa nare-renew ang gun licenses ng mga pulis ay dahil lagi silang naka-duty. Sabi pa ni Gultiano, maraming lisensiya ng baril ang mag-e-expired ngayong Agosto kaya dapat i-renew para hindi masampahan ng kaso ang mga pulis at sundalo.

Sabi pa ng CGS, meron din daw inilabas na memorandum si PNP chief General Rommel Marbil na hindi na pinakukuha ang mga aktibong pulis at sundalo ng drug tests ganundin ng psychological at psychiatric exams bilang requirements sa pagkuha ng lisensya ng baril. Hindi na kailangang magsumite ng mga nabanggit ang mga pulis para ma-renew ang lisensiya. Sinanay na raw bilang mga responsableng may hawak ng baril ang mga pulis kaya inalis na ang mga nasabing tests bilang requirements.

Hindi kaya mali ang hakbang ng PNP chief dito? Ang hindi pagre-require na sumailalim sa drug tests at psychological at psychiatric exams ang police personnel ay nagdagdag sa alalahanin na baka dumami ang mga pulis na “hayok sa gatilyo ng baril”. Kahit pa sabihin ng PNP chief na sinanay daw ang mga pulis sa responsableng paghawak o pagmamay-ari ng baril, hindi pa rin nakatitiyak.

Mas maganda kung dadaan pa rin sa drug tests at psychological at psychiatric exams ang mga pulis. Mas mabuti nang nakasisiguro na matino at walang “sayad” ang alagad ng batas.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with