^

Punto Mo

Mababang ranggo sa PNP, bawal magpayong sa senior officers!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Nais ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ibalik ang dignidad ng uniporme ng mga pulis. Dati-rati kasi, kapag naglalakad sa kalsada ang mga unipormadong pulis, ang mga kriminal ay nagtatalsikan at ang mga Pinoy naman ay panatag ang kalooban. Gone are the days, sa ganoong sitwasyon, di ba mga kosa?

Kaya dahan-dahan na kumikilos si Marbil para manumbalik ang tiwala ng mga Pinoy sa kapulisan at sa katunayan marami na siyang programang inilunsad para suportahan ang hakbangin niya. Get’s n’yo mga kosa?

Iginigiit ni Marbil na hindi driver, hindi alalay, at higit sa lahat hindi bayaran ang mga pulis. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito! Dapat, ayon kay Marbil, ipakita ng mga pulis na sila ay pulis ng bayan, maaasahan at mapagkakatiwalaan ng mamamayan. Mismooo!

Ang bagong sistema naman ni Marbil ay ang pagbawal sa mga enlisted personnel na nagpapayong sa kanilang superior officers. Sapol! Sa pagdiriwang kasi ng ika-123rd Police Service Anniversary noong nakaraang linggo, dahil mainit ang panahon, napansin ni Marbil na maraming pulis ang may hawak ng payong at pinapayungan ang kanilang senior officers at iba pang VIPs.

“Pinagbabawal ko na po, yung mga pulis natin everytime we have anniversary nakakakita po tayo ng mga pulis natin na naka-uniform specially yung mga corporal yung mabababa natin sila ang nagdadala ng mga payong,” ani Marbil. “Hindi na po yan, hindi po tama yan! Hindi po ganyan ang trabaho ng pulis. Let us respect our uniform. Ipakita natin na tayo ay taong may dignidad, hindi po tayo tao na basta-basta, pulis po tayo hindi tayo bodyguard, hindi po tayo driver, hindi po tayo alalay, hindi po tayo bayaran, pulis po tayo! Pulis tayo ng bayan, pulis tayo sa lahat!” ang giit pa ni Marbil. Eh di wow!

Hagip kaya ng kautusan ni Marbil ang mga pulis na naka-assign bilang personal driver ng taga-Command Group, Directorial Staff, Support Units, Regional, Provincial at City Directors? Kalakaran na kasi ‘yan at mukhang mahirap nang baliin, di ba mga kosa? Sanamagan! ‘Yan na lang ang pakinabang ng senior officers, dahil may driver na sila may bodyguard pa, tapos kakanselin lang ni Marbil? Ano ba yan?

Maging ang mga retired general nga ay may mga bodyguard-driver na mga pulis. Paano na lang sila sa ngayon? Tsk tsk tsk! Paano kung biglang umulan sa flag ceremony o iba pang okasyon ng PNP, bawal pa rin ang payong? Dipugaaaaa! Baka naman may exemption d’yan sa kautusan ni Marbil. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Samantala, paulit-ulit na pinaalalahanan ni Marbil ang kapulisan patungkol sa kanyang recalibrated approach sa kampanya laban sa droga, kung saan iginiit niya na dapat igalang ang karapatang pantao ng mga Pinoy. “Doon sa ating recalibrated drug war, ang unang-una nating intindihin at ang pagtangkilik sa ating batas. Let us observe human rights, let us preserve human lives,” ani top Cop. Araguyyy!

“Habang nandito kayo sa Pilipinas, alalahanin nyo lahat ng tao may pag-asa. Wala tayong karapatan na kunin ang buhay ng ibang tao. Let us preserve, let us respect. Nandito tayo we are called law enforcers then we enforce the law in a proper order,” paalala ni Marbil. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with