^

Punto Mo

Maid of Honor (217)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Isang gabi, dumating sa resort ang grupo ni Mark Demonio para ­hingian ng pera si Inah. Apat sila. Malalaki ang katawan. Sa itsura ay parang hindi pahuhuli nang buhay. Natakot ang mga staff at agad nagsumbong kay Inah.

Mabilis namang nagtu­ngo sa kubo ni Rocky si Inah at nagsumbong. ­Nanginginig sa takot si Inah.

“Nanghihingi na naman sila ng pera at mukhang gusto na namang maghapi-hapi rito, Kuya Rocky. Anong gagawin natin?’’

“Huwag kang matakot. Akong bahala.’’

“Bigla na lang pumasok sa opisina. Mabuti at may secret passage ako sa likuran kaya nakapunta ako rito.’’

“Ilan sila?’’

“Apat.’’

“Ako ang haharap sa kanila. Manatili ka sa opisina mo. Tena na.’’

Lumabas sila sa kubo at tinungo ang opisina ni Inah. Sa likod sila daraan. Nang papasok na sila ay dumating si Darwin, ang 18-anyos na tini-train ni Rocky sa mixed martial arts.

“Anong nangyayari Ate Inah, Kuya Rocky?’’

“Dumating ang grupo ni Mark Demonio!’’ sagot ni Inah.

“Mga walanghiya yan!’’

“Dito ka lang, Darwin. Huwag kang aalis. Kakausapin ko si Mark Demonio,’’ sabi ni Rocky.

“Oo Kuya. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong. Mga traidor ang grupong yan.”

“Mga demonyo talaga! Binatukan na ako ng Mark Demonio nun!’’ sabi ni Darwin na nanggigigil.

“Basta dito ka lang.’’

“Oo Kuya!’’

Pumasok na sina Inah at Rocky sa opisina.

Naiwan si Inah sa opis. Hinarap ni Rocky sina Mark Demonio.

“Anong kailangan n’yo mga kaibigan?’’ tanong ni Rocky.

“Gusto naming makausap ang may-ari nitong resort. Nasaan siya?”

“Bakit gusto n’yong makausap?’’

“Wala kang pakialam! Nasaan siya?’’

“Hindi siya maaring kausapin.’’

“A ganun! Papasukin namin siya!’’

Narinig ni Inah ang banta kaya nagkusa na siyang lumabas.

“Narito ako. Anong kailangan n’yo?’’ sabi niya.

“Protection money. Akina ang protection money!’’ sagot ni Demonio.

“Hindi ako magbibigay sa inyo!’’

“Aba lumalaban ka na ha? Tingnan ko ang tigas mo!”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with