^

Punto Mo

‘Libing’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

Nang mag-aral ako sa Maynila noong 1977, nadala ko ang kaugalian na nagtatapon ng barya sa funeral procession. Nakaukit na ang sinabi sa akin ni Lola Felisa na kapag nakakita ng prusisyon ng libing ay maghagis ng barya sapagkat ang lahat nang tinapon ay babalik din sa takdang panahon. Ibig niyang sabihin, kung nagtapon ng pera ay babalik din yun. Suwerte kung magtatapon ng pera sa prusisyon ng libing.

Kaya kapag nakakakita ako ng funeral procession, naghahagis ako ng barya — dalawa o limang piso. Kaya hindi ko kinalilimutan na magbaon ng barya sa bulsa.

Kagaya nung minsan na papasok ako sa unibersidad. Naglalakad lamang ako mula sa aking tinutuluyang boarding house.

Madalas ay nakakakita ako ng prusisyon ng libing dakong alas nuwebe ng umaga. Pagtapat sa akin ng prusisyon ay naghahagis ako ng P5 coin. Hindi ko na tinitingnan kung saan bumabagsak ang aking hinagis. Basta ang iniisip ko, makapaghagis ako at matupad ang sinabi ni Lola na may kapalit iyon sa takdang panahon.

At nagkakatotoo ang sinabi ni Lola Felisa sapagkat, sinusuwerte ako. Maayos akong nakatapos ng pag-aaral at nakapasa sa board exams.

Nakakuha rin agad ako ng trabaho.

May suwerte nga yatang hatid ang pagtatapon ng barya habang may prusisyon ng libing.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with