^

Punto Mo

Maid of Honor (215)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DAHAN-DAHAN lang sa paglalakad, Inah at baka sumakit ang binti mo,’’ sabing nag-aalala ni Rocky.

“Oo Kuya. Pero wala na akong nadaramang sakit.’’

“Kaya mula bukas, huwag na muna tayong maglalakad dito sa tabing dagat. Hindi ka na rin maliligo.’’

“Oo Kuya.’’

“Kung gusto mong magpaaraw, dun lang sa malapit sa bahay mo. Huwag na sa tabing dagat at baka maakit ka na namang maligo. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang dagat. Akala mo tahimik pero bigla-biglang nag-aalimpuyo. Paano kung hindi mo ako kasama kanina? Baka kung napaano ka na?’’

“Kaya nga niyaya kitang maligo para mabantayan mo ako.’’

“Kung wala kang kasama baka natangay ka sa malayo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa iyo.”

“Salamat at inaalala mo ang kalagayan ko Kuya.’’

“Siyempre naman inaalala kita. Kaya nga ako nagtungo rito sa probinsiya n’yo.’’

“Anong ibig mong sabihin, Kuya?’’

“Ha? A e ibig kong sabihin, kaya nga ako nagpresentang bodyguard mo e inaalala ko ang kalagayan mo. Gusto ko lagi kang safe.’’

Tumingin nang makahulugan si Inah kay Rocky.

At nagpatuloy sila sa paglalakad. Hanggang sa maihatid ni Rocky si Inah sa bahay nito.

ILANG araw ang nakalipas, magaling na magaling na ang binti ni Inah.

Isang umaga, pinuntahan niya si Rocky sa cottage na ginawang mini-gym.

Gulat si Inah sapagkat kumpleto na sa gamit si Rocky.

Naabutan niyang nagpapraktis ng Muay Thai si Rocky.

“Tapos ka nang mag-ensayo Kuya Rocky?’’

“Oo Inah. Tapos na. Halika.’’

Lumapit si Inah.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with