^

Punto Mo

Maid of Honor (207)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG iniisip mo Kuya?’’ tanong ni Inah.

Nakaisip agad ng isasagot si Rocky na may halong katotohanan naman.

“Ha? A e iniisip ko lang kung paano ang gagawin sa pagbabalik ng mga nanghihingi ng pera sa iyo.’’

“Huwag mo nang isipin yun Kuya.’’

“Hindi maaring bale­walain yun, Inah. Sa tingin ko ang mga taong yun kapag patuloy kang nagpaloko ay lalo pang magsasamantala. Kaya nag-iisip ako ng paraan para matigil ang kawalanghiyaan nila.’’

“Ikaw ang bahala Kuya. Pero mag-iingat ka at pa­lagay ko mga halang ang kaluluwa ng grupong yun. Parang walang kinatatakutan.’’

“Paghahandaan ko sila, Inah.’’

“Anong gagawin mo Kuya?’’

“Mag-eensayo ako ng martial arts na pinag-aralan ko. Kahit pa apat o lima sila, kayang-kaya ko sila!”

“Kung mayroon kang mga kailangan e sabihin mo lang at bibili tayo.’’

“Kailangan ko ng punching bag at stick pang-arnis.’’

“Sige Kuya, kung gusto mo ikaw na ang bumili ng mga kailangan mo.’’

“Bukas, bibili ako.’’

“Puwede mong gawing gym ang cottage na malapit sa kubo. Malaki yun, Kuya. Kahit maglagay ka ng kung anu-anong gamit para sa pag-eensayo, kakasya.’’

“Okey sige. Mahalaga kasi na may space ako para mag-ensayo. Sa umaga at hapon ay magja-jogging ako sa aplaya.’’

“Sige Kuya.’’

Maya-maya, nagyaya nang umuwi si Inah.

Habang naglalakad sila ay nagbiro si Inah kay Rocky.

“Bukas, maliligo uli ako. Samahan mo ako Kuya ha?’’

“A e sige.’ 

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with