^

Punto Mo

Parrot na kayang kumilala ng iba’t ibang bagay, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 4-year-old parrot na sikat sa TikTok ang nakapagtala ng world record dahil sa talento nito na kumilala ng iba’t ibang bagay!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang African Gray Parrot na si Apollo ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Items Identified by a Parrot in 3 minutes”.

Ito ay matapos nitong maka-identify ng 12 items sa loob ng tatlong minuto. Ilan sa mga bagay na kinilala ni Apollo ay libro, medyas at tinapay.

Ayon sa mag-asawang Dalton at Victoria Mason na nagmamay-ari kay Apollo, na-train nila ito gamit ang pamamaraan na inilathala ni Irene Pepperberg, isang animal psychologist.

Bukod sa pagiging matalinong parrot, si Apollo ay sikat na social media star kung saan mayroon itong 2.8 million followers sa TikTok at 1.37 million subscribers sa YouTube.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with