^

Punto Mo

Maid of Honor (205)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapagsalita si Rocky nang malantad ang kurbadang katawan ni Inah.

“O bakit parang natuka ka ng ahas, Kuya.’’

“Kasi ang ganda mo Inah.’’

“Naku Kuya baka multuhin ka ng namayapa mong asawa.’’

“Hindi naman siguro Inah.’’

“Maganda ba ang misis mo, Kuya?’’

“Oo. Madalas siyang maging muse sa college noon. Nanalo na rin siya sa isang beauty pageant sa barangay.’’

“Aba maganda nga siya kung ganun.’’

“Para ngang nakita ko siya nang mag-two piece ka. Ikaw na ikaw ang misis ko. Kaya ako natigilan kanina dahil nga kamukhang-kamukha mo siya.’’

“Talaga Kuya?’’

“Oo.’’

“May dala kang photo niya Kuya?’’

“Meron,’’ sabi ni Rocky at dinukot ang wallet niya. Kinuha roon ang 1x1 color photo at ipinakita kay Inah.

Hindi makapaniwala si Inah nang makita ang photo.

“Kuya, kamukha ng misis mo ang napagtanungan kong babae noong hinahanap ko ang bahay mo sa Marikina. Nakaitim siya. Nakita ko siya malapit sa simbahan. Parang magsisimba siya.’’
Hindi makapaniwala si Rocky.

“Baka kamukha lang ng asawa ko ang nakita mo, Inah.’’

“Baka nga!’’

Pagkaraan ay nagtungo na sa dagat si Inah at naglunoy.

Maya-maya tinawag si Rocky.

“Kuya, halika, maligo ka na rin.’’

“Babantayan na lang kita, Inah!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with