^

Punto Mo

Maid of Honor (204)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAPAG naaalala ko ang mga nangyari sa akin, hindi ko maiwasang mapaluha,’’ sabi ni Rocky habang naglalakad sila ni Inah sa aplaya. Malayu-layo na ang nararating nila pero sakop pa rin ito ng property ni Inah. Nabili na ni Inah ang mga property sa tabing dagat. Hindi pa niya nadedebelop bilang resort ang mga ito.

“Talagang ganun Kuya. Maski nga ako naiiyak kapag naaalala ang mga pinagdaanan kong hirap. Pero itinuturing ko na pinatibay ako ng mga karanasan,’’ sabi ni Inah.

Nakikinig naman si Rocky. Nagustuhan niya ang sinabi ni Inah na pinatibay siya ng mga naranasan sa buhay. Malaki na nga ang iniunlad ng kaisipan ni Inah. Positibo na ito sa lahat ng bagay.

“Halika na Kuya. Balik na tayo. Malayu-layo na ang narating natin. Bukas samahan mo uli ako ha?’’

“Oo. Agahan natin para malayo ang malakad natin.

“Sige Kuya!’’

KINABUKASAN, naglakad uli sa dalampasigan sina Inah at Rocky. Malayo ang narating nila.

“Pinawisan ako Kuya. Ang layo kasi nang naabot natin sa paglalakad.’’

“Ako pinawisan din. Masarap maglakad.’’

“Gusto kong maligo, Kuya.’’

“Sige. Pero wala kang dalang pampaligo. Alangan namang maligo ka na yang damit mo ang suot?’’

“Meron akong pampaligo. Suot ko na ang two-piece bikini ko.’’

“Ready ka na pala, ha-ha-ha! Sige, maligo ka na at babantayan kita. Huwag ka lang pupunta sa malalim. May portion ang dagat na  malalim.’’

Hinubad ni Inah ang t-shirt niya at short.

Napanganga si Rocky nang malantad ang kurbada ng katawan ni Inah. Gulat na gulat siya. Napakaganda ni Inah! (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with