^

Punto Mo

Maid of Honor (203)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maagang nagising si Rocky. Nagkape lang siya at nagpunta na sa bahay nina Inah. Sasamahan niya si Inah sa paglalakad sa aplaya. Tuwing umaga ay nagla­lakad si Inah at dun na siya aabutan ng pagsikat ng araw.

Pero mas maagang nagising si Inah sapagkat hinihintay na siya nito sa bakuran ng bahay.

“Magkape ka muna Kuya Rocky,’’ anyaya ni Inah.

“Tapos na. Meron kasi akong kape sa kubo.’’

“A okey. Sige tayo na Kuya. Nakikita ko na ang pumuputok na araw.’’

Umalis na sila at nagtungo sa aplaya.

Pagdating sa aplaya, nag-alis ng tsinelas si Inah. Nagtapak na lang ito habang hinahalikan ng alon ang kanyang mga paa.

“Baka masugatan ng kabibi o bato ang paa mo, Inah.”

“Hindi Kuya. Matagal na akong naglalakad sa aplaya pero walang nangyayari sa akin. Gusto ko kasing ma-feel ang buha­ngin at ang hampas ng alon.’’

“Lagi ka bang narito sa aplaya?”

“Oo Kuya. Araw-araw tuwing umaga ay narito ako. Kung minsan, kasama ko sina Itay at Inay sa paglalakad. Pero nitong mga nakaraang linggo ay ako na lang mag-isa ang naglalakad. Nahihirapan kasi si Inay sa paglalakad kaya dun lang sila sa harap ng bahay nagpapaaraw.’’

“Ah kaya pala nag-iisa ka nung makita kita. Dalawang araw kitang sinubaybayan bago ako nagpakita sa’yo.”

“Oo nga. Kaya pala ang pakiramdam ko, may nakatingin sa akin—ikaw pala yun.’’

“Nahihiya nga kasi akong lumantad sa’yo.’’

“Bakit kasi nahihiya ka pa? Ano namang ikahihiya mo sa akin, Kuya?’’

“Basta feel ko—nahihiya ako—pero ngayon, hindi na.’’

“Hindi ka naman dapat mahiya. Ako nga ang dapat mahiya dahil marami kang nagawang favor sa akin. Nung nagkasakit si Inay ay ikaw ang tumulong sa akin. Pati ang pag-claim ko ng reward money sa PNP, ikaw din ang nag-asikaso. Marami kang nagawa sa akin, Kuya.’’

“Wala yun.’’

“Kumusta nga pala ang brother mo sa PNP na tumulong din sa akin?’’

“Patay na siya—heart attack!’’

“E ang isa mo pang brother sa NBI?’’

“Wala na rin—halos magkasunod silang namayapa. Isa rin yun sa dahilan kaya na-depressed ako. Pagkatapos mamatay­ ang wife ko, sila naman ang nawala. Wala man akong malapitan­ para hingian ng tulong. Tatlo lang kaming magkapatid. Ma­ganda pa naman ang samahan naming magkakapatid…’’

Tu­mi­gil sa pagkukuwento si Rocky at nangilid ang luha. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with