^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy pa rin ang POGO

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy pa rin ang POGO

Ban na ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) pero marami pa ring nag-ooperate sa bansa. Hindi pa rin ganap na napuputol ang ugat. Ang POGO ay isa sa kinasasangkutan ng kontrobersiyal na dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na tumakas sa bansa noong Hulyo pero nadakip sa Indonesia at naibalik na sa bansa noong Biyernes. Si Guo ang may-ari ng compound na ginawang POGO hubs pero tinatanggi niya. Daming krimen ang nilikha ng POGOs kabilang ang kidnapping, murder, human trafficking, crypto scam, money laundering at prostitution. Nagsimula ang operation ng POGO sa bansa noong 2016 sa termino ni President Duterte. Malaki raw ang maitutulong sa ekonomiya ng POGO dahil sa buwis na makukuha mula rito.

Subalit malaking pagkakamali sapagkat maraming naging illegal at walang napakinabang ang gobyerno. Na­ging inutil naman ang Philippine Amusement and  Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagsulputan ng illegal POGOs. Hindi makontrol ng PAGCOR at maski sa mga probinsiya gaya ng Pampanga at Tarlac ay nagsulputang parang ­kabute ang POGOs. Lalo pang dumami ang krimen.

Ginatasan naman ng mga korap sa Bureau of Immigration ang mga Chinese na pumapasok sa bansa. Walang kahirap-hirap na nakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa POGO kapalit ang mala­king pera na pampadulas sa mga korap sa BI. Tinaguriang “pastillas scam’’ ang modus dahilan para dumagsa ang mga Chinese na nagsabog ng lagim sa bansa.

Pero may wakas din ang pamamayagpag ng POGOs makaraang ipag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuwag dito noong Hulyo 22 na inihayag sa kanyang 3rd SONA. “Kailangan nang itigil ang panggugulo nito sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa,’’ sabi ni Marcos. Inatasan niya ang PAGCOR na bago matapos ang 2024, wala na lahat ang POGOs.

Malinaw ang direktiba subalit hanggang ngayon, marami pang POGO na aktibo at hindi natitinag sa kabila ng utos. Ginagawa kaya ng PAGCOR ang kanilang trabaho? Meron pa bang inaalagaang POGOs sa kabila na ipinabubuwag na ito?

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), may mga illegal POGOs pa at karamihan ay nasa Pampanga, Pasay at Parañaque areas. Ayon sa report, may POGOs pa rin sa isang multinational village sa Parañaque kung saan, nagrerenta ng bahay ang mga Chinese. Tinatayang nasa 12,000 dayuhan, karamihan ay Chinese ang nagrerenta sa mga bahay sa nasabing subdivision. Pero sinabi naman ng homeowners doon na bumaba na ang bilang ng mga nangungupahang dayuhan.

Ipatupad ang pagpapasara sa lahat ng POGO. ­Pangunahan ito ng PAGCOR. Hindi na dapat manatili ang salot na POGO.

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->