^

Punto Mo

EDITORYAL - Kapabayaan, ugat sa oil spill

Pang-masa
EDITORYAL - Kapabayaan, ugat sa oil spill

HINDI naman daw malubha ang oil leak sa lumubog na MT Terra Nova at manageable ito, ayon sa Philippine Coast Guard. Maaagapan umano ito. Wala raw dapat ipag-alala sabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo. Wala rin daw katotohanan na nakarating na ang oil spill sa coastline ng Malolos, Bulacan. Mino-monitor umano nila ang kalagayan ng tanker at naghahanda na ng mga gagamiting organic spill boom bilang pangharang sa matatapong langis. Sisimulan na rin umano ang pag-siphon sa langis na nasa tanker.

Lumubog ang Terra Nova noong nakaraang Huwebes dahil sa masamang panahon habang naglalayag sa Limay, Bataan patungong Iloilo. May karga itong 1.4 milyong litro ng industrial fuel. Isa sa 17 tripulante nito ang naiulat na namatay.

Ayon sa report, kapag hindi naagapan at tumapon lahat ang langis mula sa tanker, ito ang pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas. Mapipinsala ang malawak na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mangingisda, mamamatay ang mga isda at iba pang lamandagat at masisira ang likas na yamang dagat at kapaligiran.

Isang malaking katanungan ngayon ay kung bakit­ hinayaan ng PCG na makapaglayag ang Terra Nova gayung masama ang panahon ng madaling araw ng Huwebes. Hindi pa nakakalabas ng bansa ang Bagyong Carina at katatapos lamang hagupitin ng habagat ang Metro Manila at Luzon na nagdulot ng pagbaha.

Nagkamali na naman ba ang PCG o talagang hina­yaan nilang maglayag ang Terra Nova kahit masama pa ang panahon? Nararapat magpaliwanag ang PCG sa nangyari.

Noong Pebrero 28, 2023, lumubog din ang MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro at natapon ang 800,000 litro ng langis. Grabeng naapektuhan ng oil spill ang mga bayan ng Pola, Pinamalayan, Gloria at Roxas. Tinatayang P41 bilyon ang pinsala ng oil spill sa probinsiya. Hanggang ngayon may tumatagas pang langis sa tanker.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi kargahan ng langis ang Princess Empress at ni-repair lamang sa isang shipyard sa Navotas. Sa kabila nito, binigyan ito ng permiso ng PCG na makapaglayag sa kabila na hindi­ ito kargahan ng langis. Posible kayang ganito rin ang nangyari sa Terra Nova na hinayaang makapaglayag? May naaamoy na kapabayaan sa nangyari.

vuukle comment

OIL SPILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with