^

Punto Mo

‘Ensaymada’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

TUWANG-TUWA naman ang mga kapatid ko sa pasalubong na ensaymada ni Noel. Isang basket na ensaymada ang dala niya at sa isang iglap ay naubos dahil talaga raw masarap, sabi ng mga kapatid ko. Kakaiba raw ang ensaymada na galing pa sa bayan nina Noel.

At gaya nang dati, nang muling dumalaw si Noel, muli niya akong tinanong kung nagustuhan ko ang ensaymada.

Sa pagkakataong yun, sinabi ko na kay Noel ang totoo. Nakokonsensiya na rin kasi ako na laging nagsisinungaling sa kanya ukol sa ensaymada.

Ipinagtapat ko sa kanya kung bakit suklam na suklam ako sa ensaymada.

Nasa high school ako noon. Contestant ako sa declamation contest. Ako ang nanalo at naging representante ng aming klase. Mahigpit kong naging kalaban ang anak ng may-ari nang pinakamalaking bakery sa aming bayan.

Nagpraktis ako nang todo. Malakas ang aking paniwala na ako ang mananalo sapagkat kabisadung-kabisado ko na ang aking idi-declaim. Maski ang mga ka-section ko, naniniwalang ako ang mananalo.

Sa araw ng declamation, ibinuhos ko lahat ang husay. Marami ang napanganga sa ginawa ko.

Pero ang pagsisikap ko para manalo ay nawalan ng saysay sapagkat natalo ako ng kalaban. Marami ang nagtaka kung bakit nangyari iyon gayung napakahusay ng pagkakadeliber ko.

Nalaman ko, nasuhulan ang mga hurado ng declamation contest. At ang pinangsuhol: ensaymada. Maraming basket ng ensaymada ang binigay sa mga hurado. Iyon ang dahilan kaya ako natalo.

Mula noon, nasuklam ako sa ensaymada. Ayaw kong kumain nito.

Naunawaan naman ako ni Noel makaraang marinig ang aking karanasan.

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with