^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala pa ring ­evacuation centers na naitatayo

Pang-masa
EDITORYAL - Wala pa ring ­evacuation centers na naitatayo

MARAMI nang bagyo, lindol, pagbaha at pagputok ng bulkan na nangyari sa bansa pero wala pa ring desenteng evacuation centers na naitatayo sa bawat barangay. Dapat isinama ito ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes para kumilos ang Kongreso at local government units (LGUs).

Ang maayos at permanenteng evacuation centers ay dapat iprayoridad ng pamahalaan sapagkat ang bansa ay lagi nang sinasalanta ng kalamidad. Taun-taon, mahigit 20 bagyo ang nananalasa sa bansa at ang mga ito ay mapanira. Apektado ang mga mahihirap na mamamayan sa tuwing tumatama ang kalamidad. Wala silang maayos na masilungan.

Noong Miyerkules, sinalanta nang mala-Ondoy na baha ang Metro Manila, Central, Southern at Northern Luzon dahil sa habagat na pinalubha ng Bagyong Carina. Nagmistulang dagat ang Metro Manila at marami na naman ang humantong sa bubong ng kanilang bahay para maiwasan ang baha. Maraming ni-rescue sa mga nakatira sa tabing estero, ilog at dagat. Dinala sila sa evacuation centers na karamihan ay eskuwelahan, covered court at maski sa simbahan. Nagsiksikan na naman ang mga tao sa evacuation centers.

Nakalabas na si Carina sa bansa pero may bagong low pressure area (LPA) na namataan. Kapag naging bagyo, posible na namang magdulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sabi ng PAGASA, mas matitindi ang mga dadalaw na bagyo dahil sa La Niña na mararanasan sa susunod na buwan at tatagal hanggang Nobyembre. Ang La Niña ay may dalang malalakas at walang tigil na pag-ulan.

Ang nangyaring pag-ulan at pagbaha noong Miyerkules ay patikim pa lamang at nagbibigay babala. Tiyak may mga darating pa. Pinaghahanda ang lahat sa maaaring malalakas at walang tigil na pag-ulan na magdudulot ng pagbaha.

Ang pagtatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat barangay ay dapat nang isakatuparan. Ipag-utos ni President Marcos ang pagsasagawa ng mga ito upang sa pananalasa ng kalamidad, meron nang masisilungan ang mamamayan.

Noong Nobyembre 2022, sinang-ayunan ng mga mambabatas na dapat magkaroon ng evacuation centers sa bawat bayan. Subalit hindi na nila pinag-usapan. Nawalang parang bula! Anong nangyari? Tuunan nila ito ng pansin sapagkat kahabag-habag ang mamamayan na biktima ng kalamidad. Wala silang matutuluyan at masisilungan. Huwag hayaan na sa school, covered court at simbahan sila manatili.

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with