^

Punto Mo

Maid of Honor (194)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SERYOSO ka ba talaga Kuya Rocky sa sinasabi mo o binibiro mo lang ako?’’ sabi ni Inah habang nakatitig kay Rocky.

“Oo. Seryoso ako. O kung walang bakante para sa lifeguard, puwede rin akong janitor o tagatabas ng damo o tagapulot ng basura sa aplaya.’’

Nagtawa si Inah.

“Masyado namang mababa ang tingin mo sa sarili Kuya. Ang ganda ng trabaho mo sa Maynila tapos papasok kang janitor o tagapulot ng basura sa aplaya.’’

“Kung wala lang bakante bilang lifeguard saka ako mag-aaplay na janitor.’’

“Pero talagang desidido kang magtrabaho rito sa probinsiya?’’

“Oo.’’

“Kasi dito sa probinsiya, mabagal ang buhay dito di katulad sa Maynila na mabilis ang phasing.’’

“Gusto ko na rito, Inah. Isa pa, naiingayan na ako sa Maynila. Nasusulasok na ako sa usok at pollution. Sawa na rin ako sa trapik. Gusto ko namang marinig ay lagaslas ng alon at huni ng ibon.’’

“Sige Kuya pag-iisipan ko.’’

“Bakit pag-iisipan mo pa?’’

“Kasi sa ngayon ay walang bakante para sa lifeguard.’’

“E di janitor o tagapulot ng basura.”

“Wala ring bakante sa janitor at tagapulot ng basura.’’

“Cook—baka may bakante. Marunong akong magluto.’’

“Mayroon nang cook Kuya. Sobra na nga ang cook pero tinanggap ko dahil nakakaawa.’’

“Wala na ba talagang bakante, Inah?’’

“Wala na Kuya.’’

“Sayang! Siguro naman sa ibang resort dito e may opening sila. Magta-try ako at bakasakali matanggap.’’

“Naku palagay ko wala ring bakante, Kuya?”

“Paano mo naman nasiguro?’’

“Basta alam ko.’’

“Ita-try ko pa rin. Bukas, mag-aaplay ako.’’

Hindi mapakali si Inah.

“Sige, ganito na lang Kuya. Tutal walang bakante sa lifeguard at janitor, gawin na lang kitang personal bodyguard ko. Pero hindi kita masusuwelduhan nang malaki dahil wala pang budget para sa posisyon. Okey ba sa’yo, Kuya’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with