^

Punto Mo

Lalaki, nakatanggap ng Guinness matapos mapaikot nang maraming beses sa kanyang daliri ang cell phone!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATANGGAP ng Guinness Record ang isang lalaki sa China matapos nitong mapaikot nang maraming beses sa kanyang daliri ang isang cell phone sa loob ng isang minuto.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Chen Xiaoqing ng Fujian Province ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Spins of a Mobile Phone on One Finger in One Minute”. Ito ay matapos niyang mapaikot ng 320 beses ang kanyang cell phone.

Naganap ang record attempt ni Chen sa Fuzhou City kasama ang kanyang mga kaibigan at kapamilya na umakto bilang mga taga-record at mga witness. Sa una ay ilang beses nahulog ang cell phone mula sa daliri ni Chen pero sa kalaunan ay nagawa niyang mapaikot ito nang maraming beses at na-break niya ang previous record.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with