PAGCOR, magiging pabigat kay Bonget!

ANG korapsyon at kawalan ng malasakit ng mga opisyales ng gobyerno ang dahilan kaya nalululong sa sugal ang mga Pilipino.

Halimbawa ang ­pagtata­nggol ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa kikitain nang itinatag na Internet Gaming Licensees (IGL) kapalit ng POGO. Maliwanag na mas mahalaga ang pera kay Tengco kaysa iangat ang moral ng mga Pilipino.

Pinipilit ng ilang senador at kongresista na ibasura na ang POGO dahil namamanipula ito ng illegal online gambling operators at investment scammers.

Ayon sa political strategists, ang kakulitan ni Tengco ay magpapabagsak sa popularity rating ni Pres. Bongbong Marcos. Baka pagsuspetsahan na babakas ang PAGCOR sa 2025 election.

Nag-iipon ng mga kapintasan ng Marcos administration ang oposisyon para ikulapol sa kapanalig nito sa eleksyon. Baka ito ang maging mitsa ng sakit ng ulo ni Bonget.

Show comments