Illegal POGO, salot sa gobyerno!

WALA pang COVID-19, uma­atake na ang salot na illegal POGO sa bansa under PAGCOR Commissioner Andrea Domingo. Hmmm!

Pinairal din ang RA 6657 Land Conversion Law ng DAR na naging salot sa mga magsasakang benificiaries ng programa sa palupa. Kinopo diumano ito ng POGO. ‘Yan ang reporma!

Working visa upon arrival naman ang sindikatong binuo ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na ang kapalit ay “pastillas rollo de peso”. Who does it?

May nadiskubreng “One Stop Shop” syndicated group na nagbebenta ng birth certificate, drivers license at passport sa halagang P300,000.

Binaboy na rin ng sindikato ang LTO, DOF, Local Registry Office at NBI. May konek ba?

Maging ang mga imported construction materials, com­puters at office equipments na ginamit sa POGO ay dapat alamin kung naipagbayad ng tamang duties and taxes sa Bureau of Customs at BIR. Pakihalukay nga!

May mapalutang kaya na elected government officials na protektor ng illegal POGO sa imbestigasyon? He-he!

Show comments