^

Punto Mo

‘Balsa’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

SA aming probinsiya sa Mindoro ay may isang malaking ilog na kung panahon ng tag-init ay dinarayo sapagkat masarap maligo. Umaga pa lamang kapag buwan ng Abril ay dagsa na ang mga tao sa ilog. Nagpipiknik ang karamihan. Nagdadala ng mga pagkain at halos maghapon nang nakababad sa ilog. May mga dampa sa pampang ng ilog na pinauupahan sa mga tao.

Nang mga panahong iyon, dekada ’70, mura pa ang pag-arkila sa mga dampa. Mayroon ding mga pinauupahang bangka para sa mga gustong mamangka sa paligid ng ilog.

Kami ng aking mga classmate sa high school ay nagka­yayaan na maligo sa ilog. Kaga-graduate lamang namin noon. Lima kaming magkakaklase na nagkayayaan. Nagbaon kami ng mga pagkain at alak. Patago ang alak dahil ayaw kaming painumin ng aming mga magulang. Hindi pa raw kami dapat matutong uminom dahil mga bata pa.

Pero dahil mga kabataan na gustong makaranas ng adventure, sinuway namin ang utos.

At para walang makakita sa amin, sa dakong ibaba ng ilog kami pumuwesto. Walang ibang tao roon. Nagkatuwaan kaming gumawa ng balsa na gawa sa katawan ng saging.

Tigi-tig-isa kaming balsa. Masaya kaming palutang-lutang sa ilog.

(Itutuloy)

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with