‘Friendship’ base sa Science (Last part)
• Pangkaraniwan sa mga adults, mayroon silang isa o dalawang kaibigan.
• Ang mga toddlers bago pa man sila matutong magsalita at maglakad, natututuhan na nila ang pakikipagkapwa tao lalo na ang pakikipagkaibigan.
• Karamihan sa successful marriages ay nag-umpisa muna ang relasyon sa pagiging magkaibigan.
• Ang mga hayop din ay may kakayahang makabuo ng friendship sa hindi nila kapareho ng species kagaya ng chimpanzees, baboons, baka, kabayo, elepante balyena at dolphins.
• Puwedeng umabot ng 396 ang maging kaibigan mo ngunit 1 out of 12 lang ang nagtatagal.
• Mas lalong nagiging matatag ang pagkakaibigan kung alam ng bawat isa ang mga bagay na nakakainit ng ulo sa kanila. Siyempre kung alam mo ang ayaw niya, hindi mo iyon gagawin.
• Ito ang paliwanag ng mga researchers sa Yale University at University of California kung bakit sa sobrang closeness ninyong magkaibigan, ang pakiramdam ninyo ay magkapatid kayo. Medyo totoo ang kutob ninyo dahil one percent ng inyong DNA ay magkapareho. Genetically, friends are fourth cousins!
- Latest