Police escort, may kalalagyan!

MAY kalalagyan umano ang mga pulis na mahuhuling

nagmu-moonlighting bilang mga bodyguard o security escort ng mga mayayaman at sikat na indibidwal.

Ito ang ginawang babala ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, kasabay nang pagsasabing hindi dapat nalilimita sa isang indibidwal o VIP ang pagseserbisyo ng mga pulis.

Abay dapat lang naman, talaga, nag-pulis sila para ­magserbisyo sa bayan at hindi sa iilan.

Binigyang-diin ni Marbil ang katapatan sa paglilingkod ng mga pulis ay dapat na nakatuon sa mga Pilipino at hindi sa mga may kakayahang maglabas ng malaking halaga ng pera upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Aniya, ang pulisya ay dapat na handa sa lahat ng oras upang tugunan ang mga ­pangangai­langan at alalahanin ng publiko.

Inilabas ni Marbil ang kautusan kasabay ng pagpapakalat ng hindi bababa sa 85 ­porsiyentong mga pulis sa mga lansangan at komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng sambayanan.

Mas kailangan ang maraming pulis sa lansangan at hindi sa opisina.

Ilang pulis na ang nasibak at sinampahan ng kaso matapos silang mahuli na nag-escort ng mga pribadong indibidwal, at gumamit pa ng mga sasakyan ng PNP sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

O di ba, ganyan kakapal ang ilan, na dapat nang kalusin.

Show comments