POGO, pahabol na jackpot mula kay Digong?

NAPANIWALA ni Digong ang mamamayan noon na makatutulong nang malaki ang POGO sa pagbangon ng bansa sa kahirapan. O, ayan na!

Hindi raw naman totoong nakaragdag nang maraming trabaho at tamang buwis ang POGO bagkus, nakadagdag pa sa kriminalidad. E di managot sila ngayon!

Karamihan ng POGO ay pag-aari ng mga Intsik na money launderers. Dito sa bansa natin inilalagak ang perang ninakaw nila sa ibang bansa. Hindi sila nalalayo sa mga pulitiko natin na nagnanakaw sa kaban ng bayan at idinideposito sa banko sa ibang bansa. Related, di ba?

Naglalayasan ang POGO investors at maiiwan ang perang naipasok na nila. Ang iba, naipamili nang malalawak na lupain dito at malamang na naipangalan sa ibang tao. Malamang na kumpiskahin daw ito ng gobyerno.

May katwiran si Digong. Jackpot tayo ngayon di ba?

Show comments