^

Punto Mo

23 pares ng mga kambal, sabay-sabay naggradweyt sa isang paaralan sa US!

MGA KWENTONG KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang school sa Needham, Massachusetts ang nakapagtala nang pinakamaraming kambal na sabay-sabay nagmartsa sa kanilang middle school graduation.

Pangkaraniwan na lang sa Pollard Middle School na may mga pares ng kambal sa bawat grade level. Tuwing end ng school­year, mayroong lima hanggang 10 pares ng mga kambal na gumagradweyt. Pero ngayong 2024 lang sila nakaranas na umabot sa 23 pares ang mga kambal na nagtapos ng middle school.

Ayon sa school principal na si Tamatha Bibbo, maraming residente ng Needham ang napahanga nang malaman na 10 percent ng gra­duating class nila ay twins. Sa  454 na magtatapos ng middle school, 46 dito ay pares ng kambal. Dapat ay 48 ito ngunit ang isang pares ay nagkahiwalay ng school.

Sa panayam sa mga estudyante ng Pollard Middle School, marami sa mga ito ay nagulat na ilan pala sa kanilang mga kamag-aral ay magkakambal, karamihan kasi sa mga ito ay fraternal twins o yung mga kambal na hindi magkamukha.

NEEDHAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with