^

Punto Mo

Maid of Honor (159)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakatanaw sa bintana ng kanyang tanggapan, nakita ni Inah ang dalawang magkasintahan o mag-asawa na magkahawak-kamay na naglalakad sa dalampasigan. Sweet na sweet ang dalawang ­magsing-irog.

Mula nang makumpleto ni Inah ang beach resort—nakapagpagawa na siya nang malaking swimming pool at palaruan ng mga bata—lalong dumagsa ang visitors mula sa Maynila. Nasa online na rin ang kanyang beach resort na tinawag niyang ENCARNADO BEACH RESORT na hinango niya sa pangalan ng kanyang Itay at Inay. May mga foreigners na rin na nag-book online. Marami rin ang walk-in ­customers. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 20 tauhan.

Hinabol ng tingin ni Inah ang dalawang lovers na namamasyal sa dalampasigan. Hindi maiwasang mainggit ni Inah sa dalawa.

Hanggang maalala niya ang sinabi ni Yana na sana ay makahanap siya ng lalaking makakasama habambuhay.

Napabuntunghininga si Inah.

Sino ba ang lalaking tatanggap sa kanya? Nagkaroon siya nang madilim na nakaraan. Naging biktima ng white slavery. Inalipin siya ng lider ng sindikato at pinagsawaan ng kung sinu-sinong customer.

Sino pa ang matinong lalaki na gugusto sa kanya?

Kaya handa na siyang maging matandang dalaga. Ilaan na lang niya ang panahon sa pag-aalaga sa kanyang Itay at Inay.

Hindi na siya aasa na may lalaking magtototoo sa kanya. Imposible na.

(Itutuloy)

vuukle comment

RESORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with