6 na magkakapatid na may combined age na 571 years old, nakatanggap ng Guinness World Records title!

ISANG anim na magkakapatid sa Missouri, U.S. ang nakapagtala ng world record dahil kapag pinagsama-sama ang kanilang mga edad ay aabot ito sa 571 years old!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Overall sisters ang pinakabagong record holder ng titulong “Highest Combined Age of Six Living Siblings” dahil sa kombinasyon ng mga edad nila na aabot sa 571 years and 293 days old.

Ang mga edad ng magkakapatid ay 88 hanggang 101. Sa siyam na dekada nilang magkakasama, maraming mahalagang pangyayari sa world history ang kanilang napagdaanan tulad ng Great Depression, World War II, at ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa magkakapatid, sobrang close nila sa isa’t isa at kapag may nagkakatampuhan sa kanila ay hindi nagtatagal ang kanilang hindi pagkakaunawaan at agad din silang nagbabati.

May panganay silang kuya na dapat ay 102 years old na ngayong taon ngunit pumanaw na itong noong siya ay 81.

Dahil sa kanilang matandang edad, nais na nilang laging magkita-kita at magbakasyon sa iba’t ibang lugar bago pa may mabawas sa kanilang anim.

Show comments