‘Kuwintas’

(Part 1)

NOONG magtapos ako sa high school, niregaluhan ako ng aking lola ng isang kuwintas. Ayon kay Lola Juana, pinamana pa iyon sa kanya ng nanay niya. Panglalaki ang kuwintas. Mataba ito at halatang sinaunang alahas.

Mahigpit na bilin ni Lola na huwag ko nang babanggitin sa iba ko pang pinsan dahil baka pag-ugatan ng inggitan. Ayaw daw niyang may maghinanakit sa kanya. Kaya naman daw niya sa akin binigay ang kuwintas ay dahil ako ang laging sumasama sa kanya sa bahay. Nag-iisa na si Lola sa bahay at ako ang laging kasama. Dahil dun, ako ang naging paborito ni Lola.

Mahigpit ding bilin ni Lola na huwag kong isusuot ang kuwintas kung hindi rin lang mahalaga ang okasyon.

Nangako ako kay Lola.

Nang mag-aral na ako sa Maynila, dala ko ang pamanang kuwintas ni Lola. Nakalagay iyon sa kahita. Hindi ko isinusuot dahil utos ni Lola.

Namatay si Lola nang malapit na akong magtapos ng kolehiyo.

Hanggang may mangyari isang gabi. Suot ko ang kuwintas.

(Itutuloy)

Show comments