Action figure ni Arnold Schwarzenegger, tinaguriang pinakamalaki sa buong mundo!

ISANG action figure ng Hollywood star na si Arnold Schwarzenegger na matatagpuan sa California ang nakapagtala ng world record bilang pinakamalaking action figure sa buong mundo.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang action figure ni Schwarzenegger ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Largest Action Figure” dahil sa taas nito na 22 feet and 1.68 inches. Maikukumpara ang taas nito sa isang bahay na may second floor. Gawa ito sa plastic, foam at bakal.

Show comments