‘Singer’

(Part 1)

KAPAG nakikita ko ang antigong makinang panahi (de-padyak) na pag-aari pa ng aking yumaong Lola Juana, hindi ko maiwasang mapaluha. Kapag nakikita ko ang makinang panahi, nagbabalik sa akin ang isang pangyayari na hindi ko malilimutan. At kahit siguro dumaan pa ang maraming taon, hindi ko malilimutan ang karanasang iyon na nakatatak na sa aking isipan.

Ang antigong makina ay nasa aming bahay at patuloy na inaalagaan. Laging makintab ang kabuuan nito. Laging pinipinturahan ang bakal na katawan para hindi kalawangin. Bihira nang makakita ng ganitong makinang panahi na ginawa pa noong 1879 ayon sa nakatatak.

Nangyari ang hindi ko malilimutang karanasan noong 1968 na ako ay nasa elementarya pa. Nakatira ako sa aking lola. Ako ang una nilang apo. Paborito ako ni Lola. Patay na aking lolo na umano’y pinatay ng Hapones dahil sa pagiging gerilya.

Mananahi si Lola. Mahusay siyang mananahi. Tumatanggap siya ng mga tahi at iyon ang kanyang ikinabubuhay.

Kaya normal na sa aking pandinig ang tunog ng makinang panahi na araw at gabi ay gamit ni Lola Juana.

(Itutuloy)

Show comments