• Kapag ang isang tao ay laging husto ang tulog sa gabi, ang ipaghihintay niya bago makatulog ay 10 to 15 minutes. Ngunit kung kulang sa tulog, five minutes lang ay tulog na ito.
• Ang ideal nap or idlip sa hapon ayon sa mga eksperto ay 26 minutes. Kapag sumobra, mahihirapan ka nang gumising at mahihirapan ka nang matulog sa gabi.
• Nahihirapan tayong gumising nang maaga sa araw ng Lunes dahil nabulabog ang schedule ng ating tulog noong weekend.
• Ang mga sumusunod ay resulta ng walang tulog sa loob ng 24 oras: Nangangamol sa pagsasalita, impaired judgment and decision making, humihina ang memorya at atensiyon, mainit ang ulo, lumalabo ang paningin, pandinig at hand-eye coordination, nangangatal ang muscle.
• Tayo lang ang mammal na kayang magpigil na hindi matulog.
• Dysania ang kondisyon kung saan nahihirapang bumangon sa kanyang higaan ang isang tao dahil sa depresyon na pinalala pa ng kakulangan sa sustansiya ang katawan.
• Nagiging magutumin ang taong laging puyat dahil bumababa ang level ng kanyang leptin, isang appetite-regulating hormone.
• Sa car rental contract, mayroong sinasabi doon na bawal magmaneho kung mas mababa sa 6 na oras ang itinulog ng drayber.
• Ginugulo ng sleeping pills ang natural na proseso ng pagpapaantok hanggang sa makatulog.
• Ang regular na pag-exercise ay nakakatulong para maging maayos ang pagtulog. Ngunit mahihirapang makatulog kung magsasagawa ng mabigat na exercise bago matulog.
• Ang mahabang oras ng pag-i-internet ay isang dahilan kung bakit nahihirapang makatulog.