Pusa na marunong sumakay sa skateboard, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG pusa sa China ang nakapagtala ng world record dahil sa kakayahan nitong mag-skateboarding!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na ang pusang si Bao Zi ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest 10 m on a skateboard by a cat”. Ito ay matapos siyang mapa­takbo ang isang skateboard na may distansiyang 10 meters sa loob ng 12.85 seconds.

Si Bao Zi ay 1 year and 8 months old at alaga siya ng animal trainer na si Li Jiangtao. Inabot si Li ng isang taon bago ma-train si Bao Zi na sumakay ng skateboard. Pino-post ni Li ang mga skateboarding videos ni Bao Zi sa social media at humahakot ito ng milyun-milyong views. Sa dami ng fans ni Bao Zi, maituturing na siyang “celebrity” sa China.

Show comments