Maid of Honor (132)

Dahil malaki pa ang pabuyang pera na natanggap ni Inah mula sa mga awtoridad, ipinasya niyang ipagpagawa ng dalawang palapag na bahay ang kanyang Itay Nado at Inay Encar. Mahigit P9-milyon pa ang natira at sa palagay ni Inah, kahit magpagawa siya ng bahay, mayroon pa ring matitira sa pera. Gusto niya may maayos na tirahan ang kanyang mga magulang.

Kinausap niya nang masinsinan ang kanyang Itay Nado at Inay Encar. Noon ay nakakalakad na ang kanyang inay.

“Itay, Inay, magpapagawa po tayo ng dalawang palapag na bahay. Gusto ko maayos ang tirahan ninyo. ‘Yung komportable kayo kapag kumakain at ganundin sa pagtulog. Ibibili ko kayo ng mga kasangkapan—ref, TV, sopa at malambot na kama.’’

Sa sinabi ni Inah ay biglang bumunghalit ng iyak ang kanyang inay.

“Ba’t ka umiyak, Inay?’’ tanong ni Inah at inakbayan ito.

“Kasi, yan ang matagal na naming pangarap ng Itay mo,’’ sagot nito.

“Oo nga, Inah,’’ sabi naman ng Itay niya.

“Matutupad ang pangarap n’yo. Bukas na bukas hahanap ako ng magdodrowing ng plano ng bahay at pasisimulan natin ang konstruksiyon.’’

“Salamat Inah, napakabuti mo,’’ sabi ng inay niya.

MAKALIPAS lamang ang isang buwan, nakatayo na ang dream house ng itay at inay ni Inah. Ang dating kubo na gigiray-giray ay napalitan ng konkretong bahay. Nakatayo iyon sa 200 square meters na lote.

Masayang-masaya sina Inah at kanyang itay at inay habang pinanonood ang paggawa ng bahay.

“Magiging maayos na ang bahay natin, Itay, Inay!’’

“Oo nga, Inah,’’ sabi ng Itay niya na masayang-masaya.

“Natupad din sa wakas ang pangarap namin ng itay mo, Inah,’’ sabi naman ng inay niya.

(Itutuloy)

Show comments