^

Punto Mo

Tong collector na ­bumabanggit kay ­ Marbil, huli ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAAGANG nasampolan ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ang isang tong kolektor na gumagamit ng pangalan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa masamang gawain. Hindi nakaporma si Deanson Magsino nang makorner ng mga tauhan ni Francisco sa Sto. Tomas City, Batangas ng mga bandang 1:30 ng umaga noong Huwebes. Huli ka Balbon!

Ang masama pa n’yan, walang maipakitang papeles si Magsino sa baril na Colt. 45 na nakumpiska sa kanyang posesyon. Araguyyy! Buti na lang at hindi nanlaban si Magsino. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nagngingitngit na kasi si Marbil at marami siyang report na natatanggap na hindi humihinto ang mga kalalakihan para gamitin ang pangalan niya sa tong collection sa pasugalan kahit may memo nang inilabas na wala siyang kinalaman dito. Kaya inutusan ni Marbil si Francisco na paghuhulihin ang mga ito.

Hindi naman napahiya si Marbil dahil ilang oras lang ay nasakote si Magsino sa kahabaan ng Gen. Malvar Ave., Bgy. Poblacion 1. Swak sa banga si Magsino. Sa pananaliksik ni Francisco, matagal ng tong collector si Magsino at sa panahon lang ni Marbil siya makakalaboso. Mismooooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Sinabi ni Col. Jack Malinao, CIDG Regional Field Unit 4A na nakatanggap sila ng report na may lalaking armado ng short firearm na gumagala sa Brgy. Poblacion 1 sa dis-oras ng gabi. Nagpadala ng operating team si Malinao sa naturang lugar at nakorner si Magsino, na kusang sumuko at isinurender ang kanyang baril na may magazine na may lamang pitong bala. Nang hanapan ng dokumento para suportahan ang paghawak niya ng baril, walang maipakita si Magsino, ani Malinao. Dipugaaa!

Sa kanyang report kay Francisco, sinabi ni Malinao na kasama si Magsino sa mga kalalakihang nag-iikot sa Laguna, Batangas at Cavite para ikolekta ng weekly payola ang opisina ni Marbil. Kasama niya sa kalakaran sina John-John Valenzuela, alyas Rico at iba pa. Ang kanilang amo ay si alyas Steve Andrew na kasalukuyang hinahanting ni Malinao. Araguyyyyy!

Si Steve Andrew, ayon sa mga kosa ko ay dating Jericho ang alyas. Nagpalit lang ito ng alyas matapos nabulgar sa Dipuga ang tong koleksiyon activities ng tropa nila gamit ang pangalan ni Marbil. Paiba-iba pa ng alyas eh mabubulgar naman dahil kalye ang kanilang iniikutan, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Magsino na nakapag-remit na ang tropa nila ng P2 milyon sa isang opisyal sa Camp Crame ng nakaraang linggo. Ayaw ibulgar ni Malinao kung sino ang tinutukoy ni Magsino, na nag-utos din sa kanila na mag-ikot sa mga pasugalan sa Calabarzon. May alam kaya si alyas Maklang sa tong collection ng grupo ni Magsino? Owano….este ewan ko no? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Testigo sa pag-aresto kay Magsino sina Bgy. Kagawad Aleli Malvar at Bgy. Tgnod Fernando Mercado. Ang mga CIDG operatives naman ay armado ng alternative recording device kaya walang kawala si Magsino, di ba mga kosa? Dipugaaa!     

Kaya dapat lang talaga tuldukan ni Francisco ang pagyurak ng tropa ni Maklang sa pangalan ni Marbil sa kawalanghiyaan. Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with