‘Nagging mom’ ka ba?
Sampung Palatandaan na ikaw ay “certified” nagger:
• Kapag nagpapalinawagan kayo ng iyong kausap, pinuputol mo kaagad ang kanyang pagsasalita para isingit mo ang iyong sasabihin.
• Tuwing magpapangaral ka sa iyong asawa at mga anak, mapapansin mong nagiging habit na nila ang alinman sa sumusunod: tumitirik ang mata o umiikot ang mata, humihingasing, tumatalikod nang padabog.
• Araw-araw mong sinasabihan ang iyong mga kapisan sa bahay (asawa, anak, maid, driver) ng dapat nilang gawin. Walang pahinga ang iyong bibig sa kasasabi na dapat ay ganito, hindi dapat ganoon…blah..blah..blah.
• Hindi sinusunod ng iyong anak at asawa ang ipinagagawa mo dahil nagrerebelde na ang kanilang kalooban sa pagiging “maingay” mo.
• Kapag ginawa nila ang ipinag-uutos mo, hindi ka nagpapasalamat. Nasa isip mo kasi…Dapat lang na sundin ninyo ako! Ang kakambal ng nagger ay pagiging dominante.
• At dahil nga dominante ka, hindi ka marunong makiusap. Laging pautos ang tono ng iyong boses.
• Kung kailan prenteng-prente sa panonood ng kanilang paboritong palabas ang iyong asawa o anak ay saka ka mag-uutos. O, kaya, saka susumpunging magtanong nang magtanong tungkol sa nagawang kasalanan ng anak. Kapag hindi ka pinansin, bigla mong papatayin ang TV.
• Sa mga katulong: Hindi pa tapos ang unang ipinagagawa, sinasabi na ang ikalawa, ikatlo, etc.
• Nahuhuli mo na ini-spoof o ginagawang katatawanan ng iyong anak sa ibang kapamilya ang iyong mannerisms kapag tinatalakan mo sila.
• Majority ng mga anak mo ay aloof sa iyo. Maaaring inis o takot sila sa iyo.
- Latest