• Ang pinaghalong fresh pineapple at pipino ay nakakalinis ng bituka at nagpapababa ng timbang. Paano gawin? Ilagay sa blender ang 1 cup ginayat na pinya at 1 cup pipino na tinanggalan ng buto + kalahating tasang tubig. Ang pineapple-cucumber smoothie ang inumin once a day.
• Ang pagkain ng isa hanggang 2 pirasong pipino sa isang araw ay nakakapagpababa ng timbang, nagpapakinis ng balat, pinapababa ang tsansa ng hair fall at nagpapakintab ng buhok, nakakatunaw ng kidney stone at nagpapagaling ng ulcer. Natural cure din ito sa puffy eyes at eye bags.
• Ang pagyayakapan ng 20 seconds ay nakakababa ng blood pressure, nakakapagpanormal ng heart rate at nagtatanggal ng stress.
• Ang araw-araw na yakap sa loob ng 10 seconds ay nagpapalakas ng immune system, nagtatanggal ng depresyon at pagod.
• Mga pagkaing tumutulong upang maiwasan ang “bloating” o pagiging butusin: kiwi, melon, saging, lemon, asparagus,pipino, luya, tsaa, peppermint, avocado, kalabasa.
• Nakakalinaw ng paningin ang pagkain ng kiwi.
• Ang pagkain ng pakwan ay nagtatanggal ng sakit ng ulo dulot ng mainit na panahon.
• Ang pagkain ng pinya ay nakakatulong para regular kang “magbawas”, nakakatanggal ng bloating at power collagen booster.
• Ang pag-inom ng isang basong maligamgam na tubig tuwing umaga habang wala pang laman ang tiyan ay nakakapagpalabas ng toxins sa katawan na sanhi ng tagihawat at iba pang problema sa balat.
• Ang pag-idlip ng10 minutes araw-araw sa hapon ay nagpapa-improve ng memory, nagpapaganda ng mood at nagtatanggal ng stress.