^

Punto Mo

Maid of Honor (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT hindi mo agad ipinagtapat kay Kuya Honor ang tungkol sa ipinatago sa iyong pera, Inah?’’ tanong ni Yana na may pag-aalala sa boses.

“Natuliro na ako dahil sa raid, Yana. Nawala sa isip ko.’’

“Saan ba galing ang pera na pinatago sa’yo?’’

“Kinita raw yun sa illegal na POGO.’’

“Ano ba yang POGO, Inah? Kanina ko pa iniisip yan.’’

“Online na sugal yan na mga Chinese ang nag-ooperate. Mara­ming Chinese ang nagsusugal online. Maraming gumon sa sugal. Yung kinita sa online gaming, yun ang pinatago sa akin. Bukod sa illegal POGO, nag-ooperate din ng sex den ang hayop na Chinese kaya ang daming pera. At kaya naman hindi maipatigil ang POGO at sex den ay dahil naglalagay siya ng pera sa mga hepe ng pulis na may sakop sa lugar. Gaya ng isang gusali sa Ermita na ginawang sex den at iba pang illegal.’’

“Bakit naman ikaw ang napiling magtago ng pera, Inah?’’

“E kasi malaki ang gusto sa akin ng Tsekwa.”

“Pero hindi mo siya asawa?’’

“Hindi.’’

Nag-isip si Yana.

Maya-maya nagsalita si Yana.

“Dapat ipagtapat natin kay Kuya Honor ang perang itinago mo.’’

“Sige, Yana.’’

“Baka ang perang yun ang hinahanap ng sindikato.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with