^

Punto Mo

Angara, babaklasin ang mga Noveras sa Aurora!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Si Sen. Sonny Angara na kaya ang hulog ng langit para wakasan ang pamamayagpag ng pamilya Noveras sa pulitika sa Aurora? Kasi nga, tapos na ang termino ni Angara sa pagka-Senador kaya’t ang Marites sa Aurora ay tatakbo s’ya sa pagka-gobernador sa darating na 2025 elections. Kung ang record n’ya sa Senado ang gagawing basehan, swak sa banga na itong si Angara kapag sa pagka-Senador ang tatakbuhin niya.

Kaya lang, naiiba sa local elections, dahil mula 2007 pa ay mga Noveras na ang namamayani sa pulitika sa Aurora, di ba mga kosa? Bakit kaya? ‘Yan ang misteryong si Angara lang ang makakalutas. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sabagay, maging ang ama ni Sir Sonny na si ex-Sen. Edgardo J. Angara ay nagtangka ring baklasin ang mga Noveras noong 2013 elections. Bongga din ang record ng matandang Angara sa dalawang term n’ya sa Senado. Nag-file ng Certificate of Candidacy itong si Sir Ed subalit sa last minute ay nag-back-out dahil milya-milya ang agwat ng Noveras sa isinagawang survey.

Ang pinatakbo ni Sir Ed ay ang kapatid na si Dr. Arturo Angara kaya lang sawi pa rin. Kaya’t super ganda man ang record mo sa Senado, hindi ‘yon passport para sureball ka na sa lokal na puwesto, di ba mga kosa?

Si Sir Sonny kaya? Sa 2025 ang kasagutan. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nagsimula ang mainitang paghaharap ng kampo ng mga Angara at Noveras noong 2007 ng kumandidatong Bise Gobernador si Gerardo “Jerry” Noveras at nakaharap n’ya si Rommel Rico Angara, na pamangkin ni Sir Ed. Ang laban na ito ang kauna-unahang pagkatalo ng mga Angara sa pulitika sa Aurora.

Noong 2010 elections, inilaban ng mga Angara ang kaalyadong si Danilo Tolentino vs Jerry, subalit bigo pa rin ang kampo ni Sir Ed na patumbahin ito sa kanyang second term. Walastik! Hindi umubra ang impluwensiya ni Sir Ed sa mga botante. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Matapos umatras si Sir Ed, wala na silang ipinantapat kay ex-Gov. Jerry Noveras sa ikalawang termino n’ya. Subalit sa panahon na ito, nagsimula naman ang kung anu-anong kaso ang ibinabato sa kampo ni Sir Jerry, na humantong sa kanyang pagka-suspendi. Kung hindi kaya sa election, idinaan na lang sa suspension. Pesteng yawahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa huling termino ni Sir Jerry, tinapatan siya ni Ariel Bitong, na kamag-anak din ng mga Angara, ayon sa mga kosa ko. Samantala, si Christian M. Noveras naman ang nagwagi sa pagka-bise gobernador laban naman kay Kharen Angara, na pamangkin pa rin ni dating Senador at pinsang-buo naman ni Sen. Sonny.

Sa kabila ng umaapaw na paninira ng kampo nina Angara at Bitong, muling namayagpag ang Noveras sa Aurora at itinanghal na gobernador at bise gobernador ang mag-ama. Eh di wow!.

Noong 2022 elections naman, nagwagi bilang gobernador si Christian at si Sir Jerry naman ang nanalong bise gobernador. Hindi man Angara ang kanilang nakalaban, abayyyyy sinampahan sila ng election offense kahit hindi pa sila nadeklara ng Comelec.

Ang matandang Noveras ay nadiskuwalipika ng Comelec En Banc. Kamakailan naman ay sumasailalim sa 90-day suspension si Gov. Christian. Tsk tsk tsk! Suspendido na ang mga kalaban ni Sir Sonny. Sino kaya ang itatapat ng mga Noveras sa kanya 2025? Sa Oktubre ang kasagutan. Sana sa election na ang labanan at ‘wag sa korte! Abangan!

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with