^

Punto Mo

Etiquette rules (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung sa gitna ng inyong pag-uusap ay naputol ang linya ng cell phone, ang magre-redial ay kung sino ang nag-initiate ng tawag.

• Kung may nakasulat na RSVP sa invitation card na ipinadala sa iyo, make sure na sasagot ka kaagad. Huwag mong i-assume na ang hindi mo pagsagot ay maiintindihan ng sender na ang ibig sabihin noon ay hindi ka makararating.

• Basic rule sa pet owners: Humingi muna ng permiso sa bahay na pupuntahan kung okey na dalhin ang iyong alaga. Huwag mag-assume na porke cute ang inyong alaga, magugustuhan ito ng ibang tao. Ang katotohanan, marami pa rin ang walang hilig sa hayop.

• Always be on time.

• Huwag basta na lang darating sa bahay ng kaibigan o kamag-anak nang walang pasabi.

• Mali na bitbitin ng lalaki ang handbag ng kanyang kasamang babae.

• Kung nainsulto ka ng iyong kausap, huwag itong patulan. Smile. Manahimik sandali. Saka mo ito talikuran at iwanan.

• Mga bagay na dapat isikreto: wealth, family quarrels, spiritual belief, medical problems, love affairs, gifts, honor, and disgrace.

• Huwag tumunganga sa isang tao.

• Kapag umuubo, kaliwang kamay ang ipantakip. Ang kanang kamay ay ginagamit sa pakikipagkamay.

UGALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with