DAAN-DAANG Mexicans ang sabay-sabay na natulog para ipagdiwang ang World Sleep Day.
Tinawag ang event bilang “Mass Siesta”, mahigit 200 katao ang natulog sa harap ng Monumento a la Revolucion sa Plaza de la Republica sa Mexico City.
Ang event na ito ay inorganisa bilang panawagan na gawing essential part ng health and wellness ang wastong pagtulog.
Isa sa lumahok sa “Mass Siesta” ay ang mariachi musician na si Manuel Magana. Kasama niya ang kanyang misis at anak na 9-years old. Naisipan niyang sumali dahil hindi wasto ang kanyang pagtulog bilang bahagi siya ng isang mariachi band na madalas sa gabi tumutugtog. Gusto niyang maging halimbawa sa kanyang anak na pahalagahan ang pagtulog nang maayos. Nais din niya na sa paglaki nito, magkaroon ito nang maayos na work-life balance.
Ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development report, ang Mexico ang may tinaguriang “Most Overworked Country” noong 2019. May pag-aaral din na isinagawa ang National Autunomous University of Mexico na kalahati ng populasyon sa Mexico ay may problema sa pagtulog.
Ang nag-organisa ng event na ito ay ang Center for Sleep and Neurosciences at ang Mexican Society for the Investigation of Medicine and Sleep. Ayon sa head ng event na si Oscar Escandon, isinagawa nila ito upang ipanawagan sa lahat ng tao sa buong mundo na ang pagtulog ay may malaking bahagi sa ating kalusugan.