^

Punto Mo

Dennis Padilla, 27 years old ang bagong GF; anak na babae nagpakasal sa kabaro

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Ang eldest child and daughter ng actor-comedian na si Dennis Padilla na si Diane Baldivia-Balmes is married to her longtime female partner na si Katx Balmes at ang seremonyas ay ginanap sa Amerika kung saan sila naka-base pareho na matagal nang tanggap ng actor-comedian.

Paalis umano noon patungong Amerika si Diane nang ihatid siya sa airport ng kanyang amang si Dennis. Sa kanilang paghihiwalay ay may inabot na liham si Diane sa kanyang ama pero pinakiusapan na basahin lamang ito’y na kapag nakalipad na siya bagay na sinunod ng komedyante.

Nakasulat umano sa liham na pakakasal umano siya sa kanyang kaibigang babae na si Katx. 

Inamin ni Dennis na nabigla siya pero hindi siya nagalit sa anak at sa halip ay inunawa niya ito at alam niyang masaya ang kanyang anak.

Pagdating sa Amerika ay nagkatawagan ang mag-ama at ipinaabot ng actor-comedian sa anak na hindi umano siya nagagalit bagay na ikinatuwa ni Diane at partner nito.

“Who are we to judge them?” pahayag ni Dennis.

Samantala, may bagong inspirasyon ngayon ang actor-comedian, ang 27-year-old non-showbiz na si AJ Tope from Bulacan.

Nakilala ni Dennis ang kanyang present girlfriend sa isang restaurant in Bulacan kung saan siya may kasamang ka-date na taga-Bulacan din.

Samantala, nakatakdang simulan ni Dennis ang pelikulang Bad Boy 3 na pagbibidahan, ididirek at ipu-produce ni Robin Padilla. Regular ding napapanood ang actor-comedian sa weekly sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis with Beauty Gonzalez, Niño Muhlach at marami pang iba. Malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang When When Magic Hurts kung saan mga pangunahing bituin sina Mutya Orquia at Beaver Magtalas na pinamahalaan ni Gabby Ramos.

David at Alden, pinu-push kay Kathryn!

Hindi ikinakaila ng Kapuso prized actor na si David Licauco na tagahanga siya ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo at pinapanood umano niya ang mga pelikula nito pati na ang movies nila ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Just a few days ago ay nagkita sina Kathryn at David sa recent event ng Bench kaya super saya ni David dahil personal niyang nakadaupang palad ang hinahangaang Kapamilya star.

Nang tanungin siya kung gusto niyang makatrabaho si Kathryn ay agad itong sumang-ayon.

“It will be an honor,” pahayag pa ng Filipino-Chinese idol.

Parehong loveless ngayon sina David at Kathryn. Although mainit ngayon ang screen pairing nila ng kanyang kapwa Kapuso star na si Barbie Forteza, hanggang screen lamang ito dahil may Jak Roberto na in real life si Barbie.

Magmula nang magkahiwalay sina Kathryn at Daniel, marami na ring ibang silent admirers ng Kapamilya star ang gustong mapalapit sa dalaga.

Pinu-push din ng KathDen nina Kathryn at Alden Richards ang tambalan ng dalawa na nagkasama na sa record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye nung 2019.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with