“Po? A e wala Ate. Naghiwa kasi ako ng sibuyas kaya naluha ako,’’ sabi ni Yana na iniiwas ang mga mata kay Bianca.
“Akala ko, umiiyak ka.’’
“H-hindi Ate.’’
“Sabi ko naman sa’yo, kapag may problema ka, huwag kang mag-aatubiling magsabi. Lahat nang problema ay may kalutasan.’’
Tumango si Yana at ipinagpatuloy ang paghahalo sa fried rice.
“Kung may problema ka sa pera na pinadadala mo sa probinsiya, magsabi ka lang. Baka mayroong babayaran ang tatay at nanay mo e sabihin mo sa akin o kaya kay Kuya Honor mo.”
“Sige po Ate. Salamat po.’’
“Kasi ayaw kong nakikita na malungkot ka. Gusto ko, lagi kang masaya. Kaya kung may problema kang bumagabag, sabi agad sa akin o kay Kuya Honor. Mas madaling masosolb ang problema kapag pinagtutulungan. Okey Yana?’’
“Opo Ate. Salamat po.’’
Samantala lingid kina Bianca at Yana, lihim na nakita ni Honor ang pag-uusap ng dalawa.
Nabahala si Honor. Baka sinabi ni Yana kay Bianca ang tungkol sa “kahilingan” na sinabi niya rito.
Kailangang makausap niya nang masinsinan si Yana at ipaliliwanag na kalimutan na yun.
Tumiyempo si Honor habang naliligo si Bianca. Nilapitan si Yana habang nagpupunas ng mesa.
“Yana, anong pinag-usapan ninyo ni Ate Bianca mo kanina?’’
Nagulat si Yana.
“A e wala po Kuya.’’
“Hindi mo sinabi ang tungkol sa ‘kahilingan’ na binanggit ko sa iyo nun.’’“Hindi Kuya.’’
“Mabuti naman.’’
“E ano ba ang kahilingan mo Kuya? Kasi nag-iisip din ako tungkol dun.’’
“A wala naman. Basta kalimutan mo na yun.’’
“Sabihin mo Kuya para natatahimik ako.’’
Patda si Honor.
Sabihin na kaya niya kay Yana?
(Itutuloy)
Maid o Honor (58)