• Mahilig mag-sorry kahit hindi naman kailangan: Palatandaan na noong bata pa siya ay madalas siyang sisihin kaya laging nagkakaroon siya ng “guilt” kahit hindi naman dapat.
• Hindi makatingin nang diretso sa mata ng kausap: Ito ‘yung tao na ang pakiramdam ay wala siyang kuwenta o natatakot siyang “mabasa” ang kanyang iniisip kahit wala naman siyang itinatagong kasalanan.
• Over explaining himself. Lagi siyang may mahabang paliwanag sa mga bagay-bagay kahit hindi naman hinihingi ng kausap : Walang tiwala sa sarili at may paniwala siya na hindi pinagkakatiwalaan ng ibang tao ang kanyang mga sinasabi.
• Mahilig kumuha ng mga opinyon ng ibang tao kapag may gagawing desisyon: Noong bata pa ay madalas siyang maparusahan kahit sa isang maliit na pagkakamali. Nagkaroon siya ng takot na magkamali kaya dala-dala niya hanggang sa pagtanda ang ugaling kuhanin muna ang opinyon ng ibang tao lalo na at first time niyang susubukan ang isang bagay.
• Laging sumasang-ayon sa nakararami kahit na salungat ang opinyon niya sa mga ito: Lumaki siyang “people pleaser” dahil noong bata pa ay hindi siya nakaranas na maging favorite ng parents o adult na mga kapamilya. Kailangang sumang-ayon siya sa gusto ng ibang tao para magustuhan siya ng mga ito.