^

Punto Mo

May ‘voluntary retrenchment’ ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May “voluntary retrenchment” po ba sa batas? Pinapipirma po kasi  ng “Affidavit of Voluntary Retrenchment” kaming mga balak i-retrench ng aming kompanya. Kailangan po ba talaga kaming pumirma? —Leo

Dear Leo,

Kung totoong retrenchment ang balak gawin ng inyong kompanya ay hindi na kailangang kayo ay papirmahin pa ng sinasabi mong “Affidavit of Voluntary Retrenchment” lalo na’t hindi naman boluntaryo ang pag-alis n’yo sa kompanya.

Kung pipirmahan n’yo kasi ang sinasabi mong affidavit ay lumalabas na resignation o kusang pagbibitiw sa trabaho ang ginawa n’yo. Baka gamitin pa ‘yang pruweba ng inyong employer laban sa inyo kung sakaling hindi kayo mabayaran ng separation pay na dapat niyong matanggap kung kayo ay kasama sa retrenchment.

Kung talagang retrenchment ang dahilan ng pagtanggal sa inyo ay kailangang nakatanggap kayo ng notice tatlumpung (30) araw bago ang nakatakdang huling araw n’yo sa trabaho. Kailangan din ay sabay na nabigyan ng notice ukol dito ang opisina ng DOLE sa inyong lugar.

Iyan dapat ang inaatupag ng inyong employer sa halip na pagpapapirma ng kung ano pa mang dokumento na nagsasaad na boluntaryo ang pag-alis n’yo sa trabaho.

BATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with