^

Punto Mo

Ang sagot sa panalangin ng batang napaihi sa shorts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Examination time ng grade two section one. Ihing-ihi na ang batang lalaki pero ilang minuto na lang at matatapos na ang exam. Marami pa siyang hindi nasasagutan. Kailangang matapos niya ang pagsagot sa exam bago siya mag-may I go out kay Teacher.

Dala ng pressure na masagutan ang mahihirap na katanungan, ang pantog na kanina pa nagpipigil ay biglang bumigay…sumabog ang mainit-init na ihi sa short pants ng bata.

Tamang-tama naman na tapos na niyang sagutan ang lahat ng katanungan sa kanyang test paper. Ang problema kapag tumayo siya para iabot ang test paper kay Teacher ay mabibisto siya ng buong klase na napaihi dahil basang-basa ang puwitan ng kanyang shorts.

Noong nasa Grade 1 pa siya, isang kaklase niyang babae ang napatae habang nagkaklase sila. Aba, Grade 2 na sila ay naaalaala pa ng mga classmates niya ang pangyayaring iyon. May pagkamaldita ang kaklase niyang iyon kaya ‘yung pagtae niya sa classroom ang laging ginagamit tuwing magmamaldita ito sa mga kaklase nila. Kakanta ang mga ito ng: “Ibinalot sa papel…tae!” Nakabuti naman ang pangyayari sa kanila dahil nagwakas na ang pagmamaldita ng kaklase niyang iyon.

Kapag nabisto siyang napaihi, maaaring gamitin iyon para kantiyawan siya. Mabait naman siya at hindi nang-aaway ng kaklase pero iyon naman ang ikakantiyaw sa kanya ng mga bully niyang classmates.

Kaya nang oras ding iyon, nagdasal siya nang buong taimtim: “Dear God hindi ko po alam ang aking gagawin pero iligtas Mo po ako sa kahihiyan.”

Habang ang lahat ay nakatutok sa kanilang test paper, ang anak ni Teacher na nasa Grade 1 ay humahangos na pumasok sa classroom. Ang anak ay nanalo sa Science game  kaya excited ito na ipakita sa ina ang premyong natanggap na tatlong gold fish na nasa plastic bag na may tubig.

Madulas ang sahig ng classroom kaya nadulas ang anak ni Teacher. Ang hawak na plastic bag na may tubig ay tumalsik sa kandungan ng batang lalaking napaihi kanina.

Napangisi ang batang lalaki. Napakagat ito sa labi sa sobrang tuwa habang buong taimtim itong nagpasalamat sa Diyos. Si Teacher naman at anak nito ay hiyang-hiya at humingi ng pasensiya. Naawa sa kanya ang mga kaklase.

Lumaki ang batang lalaki na naging madasalin hanggang nang tumanda ay nagpasyang maging pari. Ang pangyayaring iyon ang nagpalaki ng kanyang pananampalataya sa Panginoong Diyos.

EXAMINATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with