German na mabilis uminom ng kape, nakatanggap ng Guinness Record!

ISANG lalaki sa Frankfurt, Germany ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record dahil sa kakayahan nitong mabilis na pag-inom ng kape!

Kinumpirma kamakailan ng record keeping organization na Guinness World Records na si Felix von Meibom ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Time to Drink a Cup of Coffee”.

Ito ay matapos niyang maubos ang isang tasa ng kape sa loob lamang ng 3.12 seconds.

Bukod sa bilis, nakaya rin ni Meibom na inumin ng isang lagukan ang kape habang ito ay umuusok pa sa tasa.

Natalo ni Meibom ang previous record ng kapwa niya German na si Andre Ortolf na may bilis na 3.17 seconds.

 

Show comments