^

Punto Mo

Alagang aso, kinain ang $4,000 cash ng kanyang amo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso sa Pittsburgh, USA ang kinain ang $4,000 (katumbas ng P222,000) na pera ng kanyang mga amo!

Sa panayam kina Clayton at Carrie Law, naganap ang insidente noong pinaaayos nila ang bakod ng kanilang tahanan.

Nag-request ang mga gumawa ng bakod na cash ang ibayad sa kanila kaya naghanda ang mag-asawa ng isang envelope na may laman na $4,000.

Sandaling iniwan ni Clayton ang envelope sa kusina ngunit nang bumalik siya matapos ang 30 minuto, nakita niyang nginunguya na ng kanilang 7-year-old goldendoodle na si Cecil ang mga pera.

Agad kinuha ng mag-asawa ang mga gutay-gutay na pera sa sahig at tinago ang mga bahagi nito na intact pa ang serial number. Pagsapit ng gabi, isinuka ni Cecil ang ilang dollar bills.

Sa sumunod na araw, matiyagang inabangan ng mag-asawa ang pagdumi ni Cecil upang makuha ang lahat ng kinain nitong pera.

Pagkatapos ng dalawang araw, nabawi nila ang $3,550 na halaga ng pera mula sa suka at dumi ni Cecil. Napapalitan agad nila ito sa banko.

Ang natirang $450, na sobrang nasira at hindi na makita ang serial number, ay susubukan nilang ipadala sa U.S. Treasury Department sa pag-asang mapalitan ito ng ahensiya.

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with